NEWS UPDATES

Mahigit 600 Board ft. ng mga illegal cut logs, na-i-turn over na ng MENRO sa isang benepisyaryong paaralan sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ June 10, 2014) ---Abot sa 635 na board ft. ng mga illegal cut logs ang pormal ng na-i-turn over ng Municipal Environment and Natural Resources Office o MENRO sa isang benepisyaryong paaralan kahapon.

Ito ayon kay MENRO Officer Jerry Laoagan sa panayam sa kanya ng DXVL News.

Ang nasabing mga kahoy ay ibinigay ng MENRO sa Malamote National High School upang gawing upuan, mesa at iba pang mga gamit pampaaralan.

Ang mga illegal logs ay nakumpiska ng mga otoridad sa kanilang kampanya kontra illegal logging partikular na sa brgy. Pisan.

Kaugnay nito, hinikaya’t naman ng ni Laoagan ang mga brgy opisyal ng brgy. Pisan na bantayan ang nasabing watershed area na sinasabing protected area upang masawata ang illegal logging sa lugar.

Dahil dito, isasagawa naman ang Tree Growing Festival sa nasabing Brgy. sa Kulaman Water shed area na pangungunahan ng Provincial government sa Hunyo a-27 na bahagi ng Centennial anniversary program ng Pamahalaang Probinsiya sa pamumuno ni Cotabato Gov. Emmylou Lala Talino Mendoza. Zhaira Sinolinding


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento