NEWS UPDATES

Kabacan Water District, tiniyak na walang pagtaas sa singil ng water bill sa kasalukuyan

(Kabacan, North Cotabato/ June 12, 2014) ---Tiniyak ng pamunuan ng Kabacan Water District o KWD na walang naka-ambang pagtaas sa singil ng tubig sa kasalukuyan.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni KWD General Manager Ferdie Mar Balungay.

Aniya, nitong nakaraang Abril ay may nilulutong dagdag singil sana ang Kabacan Water District pero napag-usapan ng Board of Directors ng KWD na hangga’t maaari ay kakayanin muna ng Water District na hindi muna magtaas sa rate ng tubig.

Noon pa umanong taong 2006 nang huling nagpatupad ng increase sa singil ng tubig ang Kabacan Water District.

Sa ngayon, maituturing pa rin na ang KWD ang isa sa mga water district sa Mindanao na may pinakamababang rate sa water bill.

Sinabi ni GM Balungay na umaabot lamang sa P15.70 ang bawat cubic meter ng kanilang tubig at ang minimum rate na binabayaran ng bawat water concessionaire ay nasa P157.00 lamang.

Sa ngayon patuloy ang ginagawang expansion ng Kabacan Water District partikular na sa mga malalayong barangay na hindi pa naabot ng serbisyo ng Water District. Rhoderick Beñez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento