NEWS UPDATES

Bb. Pilipinas Universe MJ Lastimosa, darating sa USM, Kabacan ngayong araw

(USM, Kabacan, North Cotabato/ June 26, 2014) ---Magiging panauhing pandangal at tagapagsalita sa gagawing Mass Induction and oath taking ng mga bagong halal na opisyal ng University of Southern Mindanao-University Student Government and Local Student Government si Binibining Pilipinas Universe MJ Lastimosa.

Sa panayam ng DXVL News kay Office of the Student Affairs Director Dr. Nicolas Turnos na pansamantalang suspendido ang klase mula alas 9:00 hanggang ala 1:00 ng hapon ngayong araw para mabigyan ng pagkakataon ang mga bagong halal na opisyal ng USG-LSG at mga estudyante na makadalo ng nasabing aktibidad.

Bukod dito, ay mabibigyan din ng pagkakataon ang mga USM constituents na makita ang pride ng North Cotabato na si Lastimosa na bibisita mismo sa USM.

Suportado naman ni USM Pres. Dr. Francisco Gil Garcia ang nasabing aktibidad.

Hinigpitan na rin ng pamunuan ng USM Security Force ang seguridad sa pamnatasan partikular na sa dadausan ng programa sa USM gymnasium.

Matatandaan na si Lastimosa ay kinoronahan noong Marso a-30, 2014 bilang Bb. Pilipinas Universe 2014 sa Araneta Coliseum sa lungsod ng Quezon. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento