NEWS UPDATES

5 katao, isinugod sa ospital dahil sa Diarrhea?

(Kabacan, North Cotabato/ June 6, 2014) ---Limang mga indibidual ang naisugod dito sa Kabacan Polymedic Hospital matapos na makaramdam ng pananakit ng tiyan at pagtatae matapos tamaan ng pinaniniwalaang LBM kahapon ng hapon.

Ang mga ito ay mga residente ng Purok Mesalay, brgy. Pisan dito sa bayan ng Kabacan.

Sa eksklusibong panayam  ngayong umaga ng DXVL News sa isang kasapi ng Karancho Kabacan chapter na si Dadtong Inedal miyembro po ng Medical Troops ng MILF karamihan sa mga biktima ng nasabing sakit ay mgabata kabilang na dito ang 5 at anim na buwang sanggol na hindi pa kinilala sa report.

Samantala ang mga isinugod naman sa Ploymedic hospital ay sina Maludtem Palulod, 23 anyos, Daniel Palolod 2 taong gulang, Eboy Lalapadsin, 2 taong gulang na ngayon ay patuloy na nilalapatan ng lunas.

Ayon daw po sa lolo nitong mga biktima Walanaman dawpong nakain itong mga biktima posibleng lamang na maruming tubig na mula sa puso ang nakikitang sanhi nitong diarrhea at pagsusuka ng mga biktima, ayon kay Inedal.

May isa na unang inireport si Balansagan Sandigan, 17 na isinugod sa USM hospital na ngayon ay nasa maayos ng kalagayan. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento