NEWS UPDATES

46-anyos na preso, nagbigti sa loob ng Tulunan PNP Lock up Cell

(Tulunan, North Cotabato/ June 4, 2014) ---Pinaniniwalaang matinding problema sa buhay ang dahilan kung bakit kusang nagpasalubong kay kamatayan ang isang 46-anyos na preso na nagbigti sa loob ng kulungan ng Tulunan PNP alas 5:30 kahapon ng hapon.

Kinilala ni PSI Ronnie Cordero, hepe ng Tulunan PNP ang biktima na si Rodrigo Tabalina Tanallon, 46, may asawa at residente ng Purok, Brgy. Sibsib, Tulunan, Cotabato.

Nabatid na ang biktima ay ikinulong mismo ng kanyang Misis dahil sa paglabag sa RA 9262.

Ayon kay PO3 Rodolfo Escarlan III ang desk Officer ng tulunan PNP na ginamit ng biktima ang lace na ikinabit sa window grill para magbigti.


Naisugod pa ang biktima sa Fr. Tulio Favali Hospital pero binawian na rin ng buhay pagdating sa ospital. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento