NEWS UPDATES

40-anyos na tindera, nasakote sa drug buy bust raid sa Pigcawayan

(Pigcawayan, North Cotabato/ June 19, 2014) ---Nasakote ang isang 40 anyos na tindera matapos mahuli ng pinagsanib pwersa ng  Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) –ARMM at PDEA Region 12 sa inilatag na buy bust operation sa Public Market, Poblacion 2, Pigcawayan, North Cotabato pasado alas 3:00 ng kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Norhata Mama Usman, residente rin na nasabing lugar.

Ayon sa report ibinenta umano ni Usman ang pinaniniwalaang shabu sa isang PDEA agent at doon nahuli ang suspek.

Nakuha mula sa fruit vendor ang isang plastic heat sealed sachet na pinaniniwalaang shabu na tinatayang abot sa tatlong gramo at 200 peso bill bilang marked money.

Ngayon nakakulong na ang nasabing suspek sa PDEA ARMM Jail Facility, PC Hill, Cotabato City habang nahaharap naman ito sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensice Drugs Act of 2002. Krezel Dianne Sampani DXVL News


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento