NEWS UPDATES

33-anyos na lalaki, sugatan sa nangyaring pamamaril sa Matalam, Cotabato

(Matalam, North Cotabato/June 10, 2014) ---Sa ospital ang bagsak ng isang 33-anyos na lalaki makaraang barilin ng kanyang kaalitan sa Purok Krislam, Poblacion, Matalam, Cotabato alas 8:10 kahapon ng umaga.

Sa report na ipinarating sa DXVL News ni SPO1 Froilan Gravidez ng Matalam PNP kinilala ang biktima na si Jonathan Sansaluna Salipada, may asawa at residente ng Brgy. Kilada ng nasabing bayan.

Habang nakilala naman ang suspek na si Guintawan Salido residente din ng nasabing brgy.
Batay sa inisyal na pagsisiyasat ng mga kapulisan nagtalo umano ang dalawa hanggang sa nagka-initan at humantong sa nasabing pamamaril.

Nagtamo ng tama ng bala ang biktima sa kanyang pigi dahilan para isugod sa Babol General Hospital at sa kalaunan ay inilipat ng kanyang pamilya sa Cotabato Provincial Hospital.

Narekober sa crime scene ang tatlong bala ng kalibre .45 na pistol at isang bala din ng kalibre .30.
Agad namang tumakas ang suspek matapos ang insedente.


Sa ngayon nagpapatuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng Matalam PNP at hot pursuit operation para sa ikaaresto ng suspek. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento