NEWS UPDATES

29-anyos na babae, panibgaong biktima ng agaw motorsiklo

(Kabacan, North Cotabato/ June 2, 2014) ---Dumulog sa himpilan ng Kabacan PNP ang isang 29-anyos na babae makaraang tangayin ng di pa nakilalang suspek ang motorsiklo nito sa bahagi ng brgy. Osias, Kabacan, Cotabato pasado alas 7:00 kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Supt. Jordine Maribojo, Chief of Police ng Kabacan PNP ang biktima na si Shiena Reniedo, 29-anyos, dalaga at residente ng Sinamar II ng bayang ito.

Ayon kay Maribojo minamaneho ng biktima ang Suzuki pink na for registration na single motor nito patungo sa isang resort sa nasabing bayan  ng siya ay sabayan ng di pa nakikilalang suspek.

Tinutukan ng baril ang biktima at pilit kinuha ang motorsiklo nito at tumakas papunta sa di malamang direksyon tangay ang nasabing sasakyan.

Sa ngayon patuloy pa rin ang imbistigasyon ng mga pulis sa nasabing insedente. Rhoderick BeƱez with report from USM Devcom Intern Zhaira Sinolinding


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento