NEWS UPDATES

27-anyos na laborer, timbog sa illegal na droga sa Matalam, North Cotabato

(Matalam, North Cotabato/ June 24, 2014) ---Bumagsak sa kamay ng mga otoridad ang isang 27-anyos na lalaki makaraang mahulihan ng illegal na droga sa isinagawang highway check ng Matalam PNP sa Matalam-Kabacan Highway, partikular sa harap ng Sea Oil gasoline Station, Poblacion, Matalam, North Cotabato kamakalawa ng gabi.

Sa report ni SPO1 Froilan Gravidez ng Matalam PNP kinilala ang naaresto na si ronilo Española dela Fuente, laborer at residente ng Purok 1, Kilada ng nasabing bayan.

Nakuha mula sa posisyon ng suspek ang 2 plastic heat sealed sachet ng shabu at ang ginamit nitong sasakyan sa pagtutulak ng illegal na shabu na isang kulay pulang Yamaha Crypton na may license plate MN 5341.


Agad namang dinala sa himpilan ng pulisya ang suspek para sa mas malalimang imbestigasyon. Rhoderick Beñez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento