NEWS UPDATES

24-anyos na lalaki, ospital ang bagsak matapos mahulog sa Niyog

(Carmen, North Cotabato/ June 16, 2014) ---Patuloy na nagpapagaling ngayon sa USM Hospital ang isang 24-anyos na lalaki makaraang mahulog sa puno ng Niyog sa Sitio Galay, Kibayao, Carmen, North Cotabato alas 9:00 kahapon ng umaga.

Sa nakuhang ulat ng DXVL News mula sa USM Hospital kinilala ng kanyang tiyuhin na si Jayson Hasan ang biktima na si Norodin Alba Idris residente ng nasabing lugar.

Umakya umano sa puno ng niyog ang biktima ng makaramdam ng pamamaga ang kanyang kamay at di na nakakapit kaya nahulog na ito.

Bumagsak ang biktima sa bubong ng bahay na dahilan kung bakit nagtamo ng pasa sa puwet ang biktima.


Mabilis namang isinugod sa USM Hospital ang biktima. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento