NEWS UPDATES

11 bayan sa Maguindanao; lubog sa baha

(North Cotabato/ June 18, 2014) --- Laksa-laksang mga residente ngayon ang naapektuhan ng pagbabaha mula sa labin isang mga bayan sa Maguindanao na lubog sa tubig baha dahil sa walang humpay na pagbuhos ng malakas na ulan simula pa nitong nakaraang araw.  

Ayon kay Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM Executive Secretary Atty. Laisa Alamia na kabilang sa mga bayang apektado ay Mamasapano, Rajah Buayan, Ampatuan, Datu Abdullah Sangki, Datu Piang, Datu Salibo, Shariff Saidona Mustapha, Pagalungan at Datu Montawal ito batay na rin sa ginawang monitoring ng ARMM Humanitarian Emergency Response and Action Team o HEART.

Batay sa ginagawang beripikasyon ng HEART abot na sa pitong libong indibwal ang pansamantalang lumikas dahil sa pagbaha ay posibleng madadagdagan pa ito dahil sa patuloy na pagbubuhos ng ulan.

Bukod sa mga mamamayan na naapektuhan sinalanta rin ng baha ang mga agricultural crops liban pa sa apektado rin ang serbisyo sa ilang Brgy. Health Centers at mga paaralang pinasok ng tubig baha.

Patuloy pa rin ang ginagawang monitoring ng ARMM HEART sa buong lalawigan habang nakahanda na rin ang mga pamunuanng kalusugan at Rescue Team. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento