NEWS UPDATES

Tricycle drayber sugatan sa pananaksak sa Kabacan kagabi

(Kabacan, North Cotabato/ May 7, 2014) ---Isinugod sa isang bahay pagamutan ang isang 39-anyos na lalaki makaraang masaksak sa Aglipay St., Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 6:45 kagabi.

Sa report na nakalap ng DXVL News kinilala ang biktima na si Bobit Galvez Daez, 40-anyos, kasado at residente ng Bliss, Katidtuan.

Ayon kay Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP sakay ng biktima sa kanyang tricycle ang pasahero nito na di pa nakilala ng bigla na lamang itong pagsasaksakin ng walang dahilan.

Agad namang tumakas ang suspek matapos ang insedente.

Nagtamo ng sugat si Daez sa kaliwang kamay at dibdib nito na mabilis namang isinugod sa pinakamalapit na ospital.

Inaalam pa ngayon ng mga otoridad ang motibo sa nasabing insedente habang nagpapatuoy ang hot pursuit operation sa suspek. Rhoderick BeƱez



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento