NEWS UPDATES

Peace and Development Program sa mga malalayong lugar sa North Cotabato, isinusulong ng militar

(Kabacan, North Cotabato/ May 27, 2014) ---Para matugunan ang matagal ng problema ng bansa hinggil sa insurhensiya, patuloy na isinusulong ngayon ng mga kasundaluhan ang Peace and Development Program sa mga malalayong lugar sa probinsiya.

Sa panayam ng DXVL News kay Captain Manuel Gatuz ng 57th IB ng Philippine Army nag-babaranggay ang mga kasundaluhan katuwang mga mga barangay opisyal upang mabigyan ng sapat na impormasyon ang mga residente sa mga barangay kung anu ang mga magagandang programa ng gobyerno sa mga ito.

Sa pamamagitan nito ay maipaabot din ng mga sundalo ang problema at hinaing mga mga tao sa barangay sa pamahalaan lalo na ang mga katutubo, ayon pa kay Gatuz.

Sinabi pa ng opisyal na umabot na rin ng 46 na taon ang insurgency problem sa bansa pero kapwa talo ang dalawang panig dahil pareho pa ring Pilipino na naglalaban sa kapwa Pilipino.

Sa kabila nito, hinikaya’t naman ni Gatuz ang mga rebeldeng grupo na magbalik loob na sa pamahalaan at may mga programang nakahanda ang gobyerno para sa kanila.

Aniya, may ‘balik-baril program’ ang pamahalaan kungsaan makakatanggap ang mga rebeldeng NPA mula sa gobyerno ng P50,000 kapalit ng isusukong baril, P50,000 para sa kanilang livelihood at P20,000 na immediate cash assistance.


Ang balik baril program ay sailalim ng Office of the Presidential Adviser on the Peace process o OPPAP.  Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento