NEWS UPDATES

Mga kasapi ng PNP lalahok sa Post Blast Investigation Training Course sa Amerika

By: Rod Rivera Bautista

(Midsayap, North Cotabato/ May 29, 2014) ---Dalawang kasapi ng Philippine National Police o PNP mula sa North Cotabato  ang nakatakdang lumipad patungo sa Estados Unidos para lumahok sa Post Blast Investigation o PBI course na gaganapin sa North Carolina sa Amerika ngayong June 2-18, 2014.


Ito ay sina Police Chief Inspector Joffrey Todeṅo at PO3 Luther Todeṅo na kapwa miyembro ng PNP- North Cotabato Explosive Ordinance Disposal Team.

Ang magkapatid na Todeṅo ay dalawa lamang sa dalawamput- apat na PNP personnel mula sa iba’t- ibang bahagi ng bansa na mapalad na naimbitahan ng United States Embassy para sumali sa nabanggit na training.


Ang PBI course ay bahagi ng Diplomatic Security Service and Anti-Terrorism Assistance Program ng bansang Amerika.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento