NEWS UPDATES

Magsasaka, patay matapos pagbabarilin sa Tulunan, North Cotabato

(Tulunan, North Cotabato/ May 12, 2014) ---Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang magsasaka makaraang sumiklab ang krimen sa may brgy. Popoyon, Tulunan, North Cotabato alas 2:00 ng hapon nitong Sabado.

Sa report ni PSI Ronnie Cordero, hepe ng Tulunan PNP kinilala ang biktima na si Pacifico Tapulgo, nasa tamang edad, magsasaka, may asawa at residente ng Purok 4, Poblacion ng nasabing bayan.


Batay sa inisyal na pagsisiyasat papunta na sa kanyang sakahan nito sa barangay Popoyon si Tapulgo ng pagbabarilin ng di pa nakilalang suspek gamit ang di pa matukoy na uri ng armas.

Nagtamo ang biktima ng iba’t-ibang tama ng bala sa kanyang katawan na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Inaalam na ngayon ng kapulisan kung may kinalaman sa lupa ang pagpaslang patay sa biktima habang patuloy na tinutugis ang suspek. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento