NEWS UPDATES

Lola, sanggol patay matapos matumbahan ng puno ng mangga sa Midsayap, NCot!

(Midsayap, North Cotabato/ May 26, 2014) ---Patay ang isang lola kasama ang apo nitong 5 buwang  sanggol makaraang matumbahan ng puno ng manga ang kanilang bahay dahil sa malakas na ipo-ipo na tumama sa Sitio Mauswagon, Barangay Salunayan Midsayap, North Cotabato dakong alas-5:00 nitong Biyernes.

Nakilala ang mga nasawi na sina Princess Jelyn Tubal, limang buwang gulang, at lola nito na si Teresita Murillo, 53, may asawa, habang ang sugatan naman ay si Danny Asinas, 46, pawang mga residente ng nasabing lugar.

Ayon sa ulat ng pulisya, nagpapahinga ang mga biktima sa loob ng kanilang bahay nang biglang mabuwal ang mga puno ng mangga at niyog dahil sa lakas ng ulan at hangin.

Nakaligtas si Asinas nang makatakbo ito habang dead on the spot naman ang maglola matapos maipit sa mga puno.


Kuwento ng ilang mga nakasaksi. mistulang ipo-ipo ang tumamang hangin sa kanilang lugar dahil sa lakas nito kung saan nabuwal ang mga puno ng niyog, mangga at iba pa. Rhoderick Beñez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento