NEWS UPDATES

Kabacan Water District, nakahanda sa nalalapit na El Niño

(Kabacan, North Cotabato/ May 19, 2014) ---Tiniyak ng pamunuan ng Kabacan Water District na hindi maaapektuhan ang kanilang serbisyo sa tubig kahit paman papalapit ang tag-tuyot, na ayon sa pag-asa ay magsisimula ngayong buwan ng Hunyo.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni KWD General Manager Ferdie Mar Balungay kungsaan kada buwan ay may ginagawa silang monitoring at hindi naman naapektuhan ang pagbaba ng water level nila.

Katunayan may apat na pu’t limang porsiento pang reserba ang Kabacan Water District.

Ginawa ng opisyal ang pahayag matapos ang ginawang pagpapasinaya sa Pump Station 3 na nasa bahagi ng Municipal compound nitong Biyernes.

Ayon kay GM Balungay, ang pump station number 3 ng Kabacan Water District ay simbolo ng ugnayan ng Pamahalaang Lokal ng Kabacan dahil dito rin nagsimula ang KWD bago paman na-i-turn-over ito.

Sa ngayon abot sa 5,500 households ang siniserbisyuhan ng Kabacan Water District sa labinlimang mga barangay na nasasakupan nila.

Suportado naman ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., ang programa ng Kabacan Water District kungsaan ang alkalde ang pangunahing pandangal sa nasabing dedication at inauguration.


Si Pastor Josue Solomon naman ang nagbigay ng pagpapalang panalangin sa dedication ng bagong Pump Station 3 ng KWD. Rhoderick Beñez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento