NEWS UPDATES

IED, narekober sa bayan ng Pres. Roxas PNP

(Pres. Roxas, North Cotabato/ May 29, 2014) ---Isang Improvised Explosive Device o IED ang narekober sa bahagi ng tulay ng Kabacan River sa brgy. Labuo, Pres. Roxas, North Cotabato alas 3:50 kahapon ng hapon.

Ayon kay 57th IB, PA Captain Manuel Gatuz ang naturang pampasabog ay itinanim di kalayuan sa outpost ng mga sundalo at nakatali umano sa madre de cacao na may dalawang metro ang taas.

Agad namang tinungo kahapon ng eod team ang nasabing lugar at isinagawa ang safe render procedure sa nasabing improvised landmine.

Malaki ang paniniwala ng opisyal na posibleng mga rebeldeng New People’s Army ang nagtanim ng naturang pampasabog noong kasagsagan ng kanilang pag atake sa Pres. Roxas PNP at target ang reinforcement ng mga sundalo at pulis.

Sa ngayon nasa Cotabato Police Provincial Office ng eod ang nasabing pampasabog para sa nagpapatuloy na imbestigasyon.

Matatandaan na ang Pres. Roxas PNP ay nilusob noong Mayo a-20 ng madaling araw ng mga rebeldeng NPA kungsaan lima ang naiulat na namatay sa panig ng rebelde kasama na ang dalawang matataas na opisyal ng guerilla front 53. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento