NEWS UPDATES

Brigada Eskwela sa Cotabato Division, all set na ngayong araw

(Kabacan, North Cotabato/ May 19, 2014) ---Ilalarga na ng Department of Education o DepEd Cotabato Division ang nakalatag na Brigada Eskwela na magsisimula ngayong araw hanggang sa Biyernes Mayo a-24.

Ito ang sinabi ni Cotabato School’s Division Supt. Omar Obas sa panayam sa kanya ng DXVL News.
Sa Hunyo a-2 pa umano magbubukas ang klase sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskwelahan para sa school year 2014-2015.


Ayon kay Obas layunin ng Brigada Eskwela na kilala rin bilang National School Maintenance Week (Mayo 19-24), ang mala-Bayanihang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor sa paglilinis, pagkukumpuni ng mga eskwelahan sa buong probinsiya.

Bukod sa mga magulang ng mga bata, hinikaya’t din ng opisyal ang lahat ng sektor na makiisa sa gagawing Brigada Eskwela.

Nitong Biyernes ay nagsimula ang Kick Off Activity nila sa Apostol Memorial Elementary School sa Magpet, North Cotabato na nilahukan ng mga School Heads.


Maliban sa paglilinis, inilunsad din nila ang Brigada Eskwela Plus, kung saan binibigyan ng libreng gupit, school supplies at marami pang iba ang ilang mga benepesyaryong mag-aaral sa nasabing Brigada Eskwela Plus. Rhoderick BeƱez with report from USM Devcom Intern Zhaira Sinolinding

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento