NEWS UPDATES

Barangay Chairman, 2 katao; niratrat!

(Upi, Maguindanao/ May 2, 2014) ---Patay ang tatlo katao kabilang na ang isang Barangay Kapitan habang isa pa  ang sugatan makaraang paulanan ng bala ang kanilang sinasakyan sa Sito Bajar, South Upi, Maguindanao alas 8:00 ng umaga kahapon.

Dead on the spot si Brgy Pandan Chairman Perfecto Travilla at kasama nitong si Alex Dumaga, 22 anyos; Jason Mundo, 16-anyos makaraang magtamo ng multiple gunshot wound sa kani kanilang katawan habang patuloy na nagpapagaling sa ospital ang 32 anyos na si Anne Benito.

Ayon kay South Upi Councilor Maria Sagan sakay ng kanyang owner type jeep si Travilla kasama ang mga biktima ng ratratin ng di pa nakilalang suspek ang kanilang sasakyan sa nasabing lugar na naging dahilan ng kamatayan ng mga biktima.

Nagpapatuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng South Upi PNP para alamin ang motibo sa pagpaslang sa punong barangay. Rhoderick Beñez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento