NEWS UPDATES

Bangkay, natagpuang palutang-lutang sa Kabacan river

(Kabacan, North Cotabato/ May 5, 2014) ---Isang bangkay ang natagpuang palutang-lutang sa Kabacan river partikular sa barangay Aringay, Kabacan, Cotabato alas 11:30 ng umaga kahapon.

Ayon sa report ng Kabacan PNP naagnas na ang bangkay ng marekober malapit sa detachment ng mga sundalo sa Aringay.


Hanggang ngayon ay di pa mabatid ang pagkakakilalanlan ng biktima.

Posibleng dalawa o tatlong araw na itong palutang-lutang sa ilog bago narekober dahil sa lumubo na ang katawan nito at di na malaman kung may tama ang biktima.

Ang bangkay ay isang lalaki.

Inaalam pa ngayon ng mga otoridad ang anggulong pinatay sa ibang lugar ang biktima bago tinapon sa ilog habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento