NEWS UPDATES

Alkalde, escort; sugatan sa pagsabog ng IED sa Lebak, Sultan Kudarat

(Lebak, Sultan Kudarat/ May 5, 2014) ---Sugatan ang alkade ng Lebak Sultan Kudarat at escort nito matapos sumabog ang isang pinaniniwalaang Improvised Explosive Device o IED sa gilid ng Municipal Hall ng Lebak Sultan Kudarat kaninang alas 11:05 ng umaga.

Sa panayam ng DXVL News kay PSI Joel Martinez, hepe ng Lebak PNP kinilala ang mga biktima na si Lebak Mayor Dionisio Besana at escort nito na si Police Officer 2 Vislli Reyes.


Ayon kay Martinez palabas na sana ng Municipal Hall si Mayor Besana at ang body guard nito nang bigla na lamang sumabog ang isang IED na umanoy naka lagay sa mga nakaparadang motorsiklo malapit sa opisina ng alkalde.

Nagtamo ng maraming sugat si Mayor Besana at Reyes na agad namang isinugod sa pinaka malapit na bahay pagamutan.

Mabilis namang rumesponde ang mga otoridad kasama ang Explosive Ordnance Disposal Team para malaman kung anung uri ng pampasabog ang ginamit ng mga suspek at magsasagawa ng assesment sa nabanggit na lugar.

Sa hiwalay na ulat mula kay Sultan Kudarat Provincial Director Senior Supt. Rex Dela Rosa kinumpirma nito na nasa maayos ng kalagayan si Mayor Besana at Reyes habang patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa tunay na motibo ng pagsabog at para madakip ang mga responsable sa nasabing insedente. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento