NEWS UPDATES

6-anyos, patay; ina na buntis at amang pulis sugatan sa nangyaring pamamaril sa Midsayap, North Cotabato

(Midsayap, North Cotabato/ May 28, 2014) ---Patay ang sais anyos na batang lalaki nang tamaan sa PUSO mula sa bala ng kalibre kurentay singko habang sugatan din ang ina nitong buntis at ama nitong pulis makaraang pagbabarilin sa Midsayap, North Cotabato.

Kinilala ni Supt. Renante Delos Santos, hepe ng Midsayap PNP ang biktima na si Jonas Adrean Pintoy na pumanaw kahapon habang ginagamot sa pagamutan.

Habang patuloy namang inoobserbahan sa ospital si PO1 Manuel Pintoy , na nakadestino sa PRO ARMM at asawa nitong buntis na si Jennifer na kapwa nagtamo ng sugat sa ibat ibang parte ng katawan.

Sinasabing sakay ng motorsiklo ang mag anak ng pagbabarilin ng Riding in tandem sa bahagi ng Brgy Poblacion 2.

Narecover sa Crime Scene ang sampung empty shells ng .45 Caliber Pistol at dalawang motorsiklo.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Midsayap PNP kung sinu at ano ang motibo ng mga di pa nakilalang suspeks.

Nangyari ang pamamaril sa kasagsagan ng buhos ng ulan alas nwebe noong linggo ng gabi.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento