NEWS UPDATES

50-anyos na babae, kritikal matapos, pagbabarilin sa Midsayap, NCot

(Midsayap, North Cotabato/ May 9, 2014) ---Nasa malubhang kalagayan ngayon ng isang babae matapos pagbabarilin sa Barangay Villarica, Midsayap, North Cotabato pasado alas 6:00 kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Julieta Faunillan-Untal, 50 anyos, residente ng nasabing lugar.


Batay sa imbestigasyon ng Midsayap PNP, nanggaling ng Libungan Public Market si Untal at pauwi na sakay ng tricycle nang sinundan ng dalawang suspek na nakasakay sa motorsiklo.

Pagbaba mismo ni Untal sa Barangay Villarica, dito na siya pinagbabaril ng mga suspek gamit ang kalibre 45 na baril.

Nagtamo ng tama sa kanyang tiyan ang biktima na kasalukuyan pa ring nagpapagaling sa isang pagamutan.

Inaalam pa ng mga imbestigador ang motibo sa nasabing pamamaril. Krezel Dianne Sampani


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento