NEWS UPDATES

4th Gov. Lala Taliño Mendoza Summer Kids Peace Camp gaganapin na bukas sa Magpet North Cotabato

(Magpet, North Cotabato/ May 1, 2014) ---Sisimulan na bukas ang taunang summer kids peace camp sa bayan ng Magpet, North Cotabato.

Ito ay gaganapin sa Apostol Memorial Central Elemmentary school at tatagal ng tatlong araw.


Ayon kay Police Senior Inspector Realan E. Mamon, hepe ng Magpet PNP, nakahanda na umano ang kanilang security plan sa naturang aktibidad. Dagdag pa niya nakipagcoordinate na umano sila sa BPAT para sa karagdagang security force.

Ang summer kids peace camp ay taon- taong ginaganap sa iba’t-ibang mga bayan sa lalawigan at isa sa mga programa ng Cotabato Provincial Government sa pangunguna ni North Cotabato Governor Lala Taliño Mendoza.

Layunin ng programang ito na ipabatid sa mga batang partisipante ang mga basic life skills nang sa ganun ay maging responsable sila at maging produktibong mamamayan balang araw. Isa rin itong instrumento para ipakita sa mga kabataan ang pagkakaroon ng positibong pananaw sa buhay.


Kunektado ka sa mga balita mula sa Magpet North Cotabato, USM-DevCom intern Regine Barba Lanuza DXVL newss

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento