NEWS UPDATES

Titser, tinamaan ng kidlat!

(Maguindanao/ April 6, 2014) ---Isinugod sa Kabacan Medical Specialist ang isang guro makaraang tamaan ng kidlat sa bahagi ng Pagagawan, Maguindanao alas 5:30 kahapon ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Nelicano Dansao, 45-anyos, may asawa at residente ng Plang Village, Poblacion, Kabacan, Cotabato.


Inaalam na ngayon ng mga doktor kung ilang burn degree ang natamo ng biktima habang patuloy na nagpapagaling sa nasabing bahay pagamutan. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento