NEWS UPDATES

Phase II ng Mal-Mar Irrigation Project puspusan ang implementasyon

(Pikit, North Cotabato/ April 28, 2014) ---Naglabas ng progress report ang tanggapan ng Malitubog- Maridagao o Mal-Mar Irrigation Project Phase II kaugnay ng implementasyon ng nasabing multi-million irrigation project.

Batay sa report na isinumite ni Project Manager Engr. Noldin Oyod, nasa 21% ng kabuuang proyekto ang aktwal nang natatapos.


Sa kasalukuyan ay 18.73% na ng higit P4 Billion approved cost ang nagagamit sa aktwal na implementasyon ng Phase II ng Mal-Mar Irrigation Project.

Samantala, puspusan din ang ugnayan ng Mal-Mar Project Management Office sa mga magsasaka sa service area ng proyekto kung saan nagsagawa na ng farmers trainings, pag- organisa sa irrigator’s associations, at consultative dialogue sa turn- out service area groups.

Nabatid na higit dalawang libong ektarya ang kabuuang service area ng Mal-Mar Irrigation Project at target na matapos ang implementasyon ng proyekto nito sa taong 2016. Roderick Rivera Bautista/ DXVL News Correspondent PPALMA Area



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento