NEWS UPDATES

Pagsusunog ng Plastik sa brgy. Osias inireklamo

(Kabacan, North Cotabato/ April 30, 2014) ---Matagal  na umanong inerereklamo ang ilang residente ng brgy. Osias hinggil sa paglabag umano nito sa R.A 9003 o ang pagbabawal sa pagsunog ng mga plastic.

Ito ay ayon sa panayam kay Kabacan MENRO Jerry Laoagan.
Sinabi niya na hindi umano sila basta basta makakapasok sa brgy. Osias dahil may mga brgy. Officials na nakadistino sa lugar, sila mismo ang dapat humuli sa mga residenteng lumalabag sa batas.

Dagdag pa niya maari daw nilang hulihin sino man ang lumabag sa batas na ito sa bisa ng Police Power.

Nagbigay na rin umano sila ng sitation ticket sa mga Chairman ng Sangguniang brgy. Committee on Environment. Regine Barba Lanuza DXVL NEWS


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento