NEWS UPDATES

Mga illegal logs, nasabat ng Carmen PNP

(Carmen, North Cotabato/ April 30, 2014) ---Mahigit kumulang isang libong board feet ng hard wood ang nasabat ng mga awtoridad sa hangganan ng Barangay Bintangan bayan ng Carmen at Barangay Kitubod, Libungan, Cotabato kahapon.

Ang operasyon ay isinagawa ng pinagsanib pwersa ng 7th IB, PA; Carmen PNP at DENR Midsayap ay nabawi nila ito sa mga pinaghihinalaang illegal loggers.


Ang mga suspek na illegal loggers ay mga armado umano ayon kay Vice Governor of Indigenous People Dahil Mampurok.

Kaya nang matunugan ng mga ito na paparating ang mga otoridad, inabandona na lamang nila ang lugar.

Tumambad sa mga otoridad ang bulto-bultong illegal na hard wood.

Sa ngayon patuloy na tinutugis ng Carmen PNP ang mga suspek na responsable sa nasabing gawain. Rhoderick BeƱez with report from USM-Devcom Intern Davie jame Castillo DXVL News.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento