NEWS UPDATES

Malakas na ipu-ipo, nanalasa sa isang barangay sa Kabacan, NCot!

(Kabacan, North Cotabato/ April 22, 2014) ---Winasak ng malakas na ipu-ipo ang bahay ng Pamilya Samillano makaraang manalasa ito sa Barangay Bannawag, Kabacan, Cotabato sa pagitan ng alas 3:00 at alas 4:00 ng hapon nitong linggo.

Sa panayam ng DXVL News kay Kabacan Incident Quick Response Team Henztien Perez binuhat ng malakas na ipu-ipo ang bahay ni Robert Samillano at ibinagsak sa mga palayan.


Bagama’t wala namang nasaktan o nasawi sa nasabing insedente nagdulot naman ito ng takot sa nasabing pamilya.

Maswerte namang nakaiwas ang dalawang bata sa nasabing insedente.


Sa ngayon pansamantalang nanunuluyan ang pamilya Samillano sa kanilang kamag-anak matapos na winasak ang bahay nila ng malakas na ipu-ipo. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento