NEWS UPDATES

Lalaki, sugatan sa shooting incident sa Carmen, NCot!

(Carmen, North Cotabato/ April 5, 2014) ---Sugatan ang isang Mohammad Mamalumpong Unayan, residente ng Sitio Galay, Brgy. Kibayao, Carmen, North Cotabato makaraang barilin ng di pa nakilalang suspek sa bisinidad ng Kabasalan, brgy. Kibayao ng nasabing bayan.

Ayon sa report ng Carmen PNP sakay ang biktima sa kanyang kulay putting MCX motorcycle ng mangyari ang insedente alas 6:50 kamakalawa ng gabi.


Nagtamo si Unayan ng tama ng bala sa kaliwang braso nito na mabilis na isinugod sa pinakamalapit na bahay pagamutan.

Blanko pa ang mga otoridad kung anu ang motibo ng nasabing pamamaril habang nagpapatuloy pa ang ginagawang imbestigasyon. Rhoderick BeƱez



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento