NEWS UPDATES

Kilos Protesta, isasagawa ng mga militanteng grupo sa Kidapawan City

(Kidapawan city/ April 15, 2014) ---Magsasagawa ngayong araw ng isang march rally ang mga progresibong grupo sa mga pangunahing lansangan ng Kidapawan city alas 10:00 ngayong umaga.

Ayon kay North Cotabato Karapatan Secretary General Ernesto Jay Apiag sa panayam sa kanya ng DXVL News na layon ng nasabing kilos protesta ay iparating ang kanilang hinaing hinggil sa lumalalang karapatang pantao na nilalabag ng militar.


Aniya, dumarami kasi ang kampo ngayon ng militar sa bahagi ng Makilala, Magpet at Arakan.

Ayon kay Apiag, muli nilang ihahain ang petisyon sa tanggapan ni Governor. Emmylou ‘lala’ Taliño-Mendoza na naglalaman ng agarang pagpapaalis sa mga sundalong ilegal na nananatili sa mga komunidad ng mga sibilyan.


Aniya, unang kwarto nitong taon ng maalarma ang mamamayang Lumad sa bayan ng Magpet matapos lumabas ang planong eksplorasyon ng ABOITIZ sa proyekto nitong geothermal sa Barangay Tiko na sinundan naman ng matitinding paglabag sa karapatang pantao hatid ng dumaraming presensya ng mga sundalo sa loob at labas ng nasabing geothermal project site. Rhoderick Beñez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento