NEWS UPDATES

Kampanya kontra Kolurom, pinalalakas ng Kabacan TMU

(Kabacan, North Cotabato/ April 10, 2014) ---Abot sa 87 mga tricykad at 23 mga motorsiklo ang ngayon ay naka-mpound sa Kabacan Municipal compound sa nagpapatuloy na kampanya ng mga otoridad kontra anti-carnapping at anti kolurom sa Kabacan.

Ito ayon kay Traffic Management Unit Head Ret. Col. Antonio Peralta ng LGU Kabacan.
Ang nasabing kampanya ay sinimulan pa nitong nakaraang linggo.


Karamihan sa mga nahuli ay hindi mga residente ng Kabacan ang mga draybers at walang mga rehistro ang motor, walang ring id at sticker na nagpapatunay na mga kolurom ang mga ito, ayon kay Peralta.

Samantala, naka-impound naman ang ilang mga single motorcycle dahil sa gumagamit ang mga ito ng modified mufflers, expired ang OR at CR ng motor.

Sinabi ni Peralta na layon nito na masawata ang mga kriminalidad at upang malinis sa kolurom na mga draybers at operators ng tricycab ang Kabacan.


Ito para na rin maiwasan ang nangyari nitong nakaraang araw kungsaan isang pasahero ang nasugatan matapos na lumundag sa tricycle na kanyang sinakyan ng hindi ito ihatid sa tamang lugar. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento