NEWS UPDATES

Ilang Kawani ng NABCOR sa Kabacan, umaasang maibalik ang serbisyo ng ahensiya

(Kabacan, North Cotabato/ April 3, 2014) ---Patuloy na nananawagan sa Pamahalaang Nasyunal ang ilang mga empleyado ng National Agri Business Corporation o NABCOR sa Kabacan na maibalik ang serbisyo ng nasabing ahensiya.

Ito ang idinadaing ng dating kawani na si Roel Ignacio, residente ng Barangay Osias, Kabacan na nawalan ng trabaho makaraang ipinasara at pinahinto ang operasyon ng NABCOR nito pang Disyembre ng nakaraang taon.


Si Ignacio, ang isa sa labing anim na mga regular na empleyado ng NABCOR Kabacan na nawalan ng trabaho.

Ito makaraang masangkot ang kanilang ahensiya sa Pork Barrel Scam.

Idinulog na rin nila ang nasabing problema sa Provincial Government, pero ayon sa pamahalaang panlalawigan ay isasangguni pa muna ito sa Department of Agriculture.

Sinabi pa ni Ignacio na hindi lamang sila ang nawalan ng trabaho kundi maging ang mga kliyente nila ay nahihirapan na rin para sa kanilang post harvest na gawain.

Sa ngayon nakasirado ang planta ng NABCOR at di na rin nagagamit ang mga pasilidad nito na nagkakahalaga ng P20M.


Umabot na rin ng pitong taon ang operasyon nito dito sa Kabacan. Rhoderick BeƱez/DXVL News

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento