NEWS UPDATES

Breaking News: USM Security Head, patay sa panibagong pamamaril!

(Kabacan, North Cotabato/ April 29, 2014) ---Dead on arrival sa USM Hospital ang USM Security Director makaraang pagbabarilin sa bahagi ng USM Machinery sa loob ng USM Main Campus, Kabacan, North Cotabato dakong alas 7:30 ngayong gabi lamang.

Sa report ng USM Security Force nakilala ang biktima na si Ronald Lopez, dating ULS Principal at USM Security Chief.


Batay sa report, naka-convoy ang biktima sa sasakyan ni Dr. Cayetano Pomares pauwi galing ng opisina at pagdating sa nasabing lugar ay pinagbabaril ng riding tandem assassins gamit ang di pa matukoy na uri ng armas.

Mabilis namang isinugod ang biktima sa USM Hospital pero di na ito umabot pa ng buhay.

Nabatid na sinundan umano ang mga biktima bago nangyari ang insedente.

Napag-alaman pa na ang biktima ay may mga natatanggap na banta sa buhay bago naganap ang pamamaril.

Sa ngayon nagpapatuloy pa ang ginagawang imbestigasyon para matukoy ang totoong motibo. Rhoderick BeƱez



1 komento: