NEWS UPDATES

BIR District 108, muling nagpaalala nga deadline ngayong araw ng pag-file ng ITR

(Kidapawan city/ April 15, 2014) ---Hanggang alas 5:00 ngayong hapon na lamang ang palugit na ibinigay ng Bureau of Internal Revenue o BIR sa pagfile ng Income Tax Return o ITR.

Sinabi ni Revenue District Officer Judith Pacana na naglagay na sila ng dagdag na tauhan sa kanilang tanggapan para mapaglingkuran ang pagdagsa ng mga tax payers ngayong araw.


Sa kasalukuyan hindi pa naabot ng kanilang tanggapan ang kanilang target na revenue tax collection sa unang quarter ngayong taon.

Mula Enero hanggang Marso ngayong taon nasa 43 million pesos ang hindi nakolektang tax ng BIR-108, ayon kay Pacana.

Maliban sa mga sangay ng Bureau of Internal Revenue (BIR), mayroon umanong iba't ibang "modes of payment" para sa mga kababayan sa kanilang pagbabayad ng buwis, na magtatapos ngayong araw.

Sinabi ni BIR Commissioner Kim Henares na maari rin umanong gawin ang paghahain ng income tax returns sa mga authorized banks at maging mobile payments o tax debit memo. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento