NEWS UPDATES

Aplikasyon sa CHED Tulong- Dunong Scholarship program dadaan sa masusing screening process

By: Rod Rivera Bautista

(Midsayap, North Cotabato/ April 10, 2014) ---Inihayag ng pamunuan ng Commission on Higher Education o CHED Regional Office XII na isasailalim sa masusing screening process ang lahat ng mga nagsumite ng aplikasyon sa Student Financial Assistance Program o STUFAP Tulong- Dunong.

Nabatid na libu- libo na ang nakapagsumite ng aplikasyon kabilang na dito ang mga walk –in applicants and endorsed applicants mula sa iba’t- ibang congressional districts sa Region 12.


Ngunit binigyang- diin ni CHED XII Regional Director Maximo Aljibe na ang lahat ng dokumentong isinumite ng mga aplikante ay isasailalim pa rin sa screening and ranking process.

Maglalabas din umano ng opisyal na listahan ng mga pumasa sa iba’t- ibang congressional districts sa buong Region 12.

Sisikapin naman umano nilang mailabas ang resulta ng screening and ranking process sa ikatlong linggo ng Mayo bago ang enrolment period.





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento