NEWS UPDATES

51-anyos na magsasaka, patay makaraang mahulog sa sinasakyang Jeep sa Matalam, Cotabato

(Matalam, North Cotabato/ April 15, 2014) ---Patay ang isang 51-anyos na magsasaka makaraang mahulog sa sinasakyan nitong lawin Jeep sa may kurbadang kalsada ng hangganan ng brgy. Lampayan at Brgy. Sta. Maria, Matalam, North Cotabato alas 12:30 ng tanghali kahapon.

Kinilala ni PCI Elias Diosma Colonia, hepe ng Matalam PNP ang biktima na si Noling Rufino, may asawa at residente ng Sitio Layangan, Brgy. Sarayan ng nasabing lugar.


Batay sa report ni SPO1 Froilan Gravidez binabaybay ng isang Passenger Jeep na may plate number MBG 249 na minamaneho ni Antonio Carag, 62 ng Antipas, Cotabato ang kahabaan ng nasabing National Highway mula Poblacion, Matalam papunta ng bayan ng Arakan ng mangyari ang insedente.

Ayon sa report aksidenteng nahulog si Rufino mula sa sinasakyan nitong Jeep dahilan para mabagok ang ulo at nagtamo ng malubhang sugat na naging dahilan ng agara nitong kamatayan.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng mga pulsiya sa nasabing insedente. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento