NEWS UPDATES

5 dedo sa Karne ng Kabayo

(Sultan Kudarat/ April 1, 2014) ---Lima ang naiulat na nadale habang marami ngayon ang nagkakasakit dahil sa pagkain ng mga namatay na kabayo sa Sitio Pareño, Barangay Tinalon, Senator Ninoy Aquino, Sultan Kudarat.

Sinabi ng dating municipal councilor Gil Batilona sunod-sunod na binawian ang limang biktima mula pa noong nakaraang linggo.


Kinilala ang mga ito na sina Junie Octavio, Reynaldo Gabawa, Federico Abogadil, Boy Apala kag Rufino Belmonte, na pawang nakakain umano ng bituka ng mga kinatay na kabayo.

Apat na kabayo ang namatay at kinatay ng mga residente at ginawang pulutan ang bituka.
Tatlong pusa din ang nakitang patay sa lugar.

Naniniwala ang mga residente sa lugar na may magsasakang nag-spray sa kanyang palayan at napunta sa sapa ang lason na nainum ng mga namatay na kabayo. Rhoderick Beñez



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento