NEWS UPDATES

37-anyos na lalaki, patay makaraang barilin ng kainuman sa Libungan, NCot

(Libungan, North Cotabato/ April 24, 2014) ---Patay ang 37-anyos na lalaki makaraang pagbabarilin ng mismong kainuman nito sa nangyaring krimen sa Sitio Tumpok, Poblacion, Libungan, North Cotabato alas 9:20 kahapon ng umaga.

Kinilala ni PCInps. Bernard Tayong, hepe ng Libungan PNP ang biktima na si Kamad Masaya, 37, residente ng Tinimbakan, Banisilan habang sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Kadil Alimaw Pananggalan, 65, may asawa at residente ng Sitio Tumpok.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng mga pulisya, lumalabas na habang nag-iinuman ang dalawang magkaibigan ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo habang sa nauwi sa pamamaril.

Pitong beses na pinagbabaril ng suspek ang biktima gamit ang kalibre .45 na baril, ayon kay PCIns. Tayong.

Sa ngayon naghihimas ng malamig na rehas bakal ang biktima habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya. Rhoderick BeƱez



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento