NEWS UPDATES

2 menor de edad, biktima ng salvaging noong Easter Sunday

(Mlang, North Cotabato/ April 21, 2014) ---Brutal na kamatayan ang sinapit ng dalawang mga menor de edad matapos na matagpuan ang mga bangkay ng mga ito sa Purok Saranay, Barangay New Rizal, bayan ng Mlang, North Cotabato kahapon ng umaga.

Kinilala ni PSI Sunny Leoncito, hepe ng Mlang PNP ang mga biktima na sina Christian Dave Billeza, 15 residente ng Barangay Tawan-tawan at Ruben Loranya, 15 taga Riverside, Poblacion kapwa mula sa nabanggit na bayan.


Batay sa ulat, tinalian muna ang mga kamay at paa ng dalawang mga biktima bago pinagbabaril gamit ang kalibre .45 at 9mm na pistol bilang palatandaan na biktima ang mga ito ng summary execution. 

Posibleng sa nasabing barangay din pinaslang ang mga biktima dahil nakita sa crime scene ang mga basyo ng bala ng nasabing mga armas.

Sa ngayon, inaalam pa ng mga otoridad kung sinu ang nasa likod ng nasabing summary execution. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento