NEWS UPDATES

11-anyos na bata, sugatan sa nangyaring straffing incident sa Carmen, North Cotabato

(Carmen, North Cotabato/ April 3, 2014) ---Patuloy na nagpapagaling ngayon sa isang ospital dito sa bayan ng Kabacan ang isang 11-anyos na bata makaraang matamaan ng di pa matukoy na uri ng armas sa nangyaring straffing incident sa Sitio Galay, Brgy. Kibayao, Carmen, North Cotabato alas 7:45 kagabi.

Ayon sa report ng Carmen PNP pinaulanan ng bala ng mga di pa matukoy na mga suspek ang pamamahay ni Mokaher Kagui gamit ang mga di pa malamang high powered caliber.


Wala namang may naiulat na nasaktan maliban sa 11-anyos na bata.

Inaalam na ngayon ng mga otoridad kung anu ang motibo sa nasabing insedente. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento