NEWS UPDATES

Suspek sa pagbaril patay sa dating barangay Kagawad sa Kidapawan City, sumuko na

(Kidapawan city/ March 11, 2014) ---Patay ang isang 46-anyos na biyudo matapos pagbabarilin ng nakaalitan nito sa Barangay Onica, Kidapawan City alas 7:45 kagabi.

Kinilala ang biktima na Eduardo Dorado, residente ng Barangay Kalaisan.

Ayon sa PNP, nagkaalitan ang biktima at ang suspek kasama na nagresulta sa pagkababaril nito gamit ang .38 revolver.

Boluntaryo namang sumuko ang suspek sa Barangay Council ng Onica at nai-turn-over na sa Kidapawan City PNP habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya. Rhoderick BeƱez




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento