NEWS UPDATES

Siyam na mga sundalo, ilalagay sa ilang mga barangay sa Arakan, North Cotabato

(Arakan, North Cotabato/ March 11, 2014) ---Siyam na sundalo mula sa 57th , 73rd at 27th Infantry Batallion ang ide-deploy sa 28 barangay ng Arakan, North Cotabato bilang bahagi ng peace and development team.

Ayon kay 57th IB Civil Military Operations Officer Capt. Manuel Gatus pangunahing layunin ng peace and development team na magsagawa ng community outreach program para sa mga barangay.



Dagdag pa ni Gatus, ito ay isang magandang patunay na nagbunga na ang bayanihan ng mamamayan upang makam09it ng Arakan ang minimithing kaunlaran sa pamamagitan ng maaayos na pagpapatupad ng mga proyekto ng pamahalaan para sa kanila.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento