NEWS UPDATES

Konsultasyon hinggil sa Bangsamoro Basic Law, matagumpay na ginanap sa USM

(Kabacan, North Cotabato/ March 6, 2014) --- Matagumpay na ginanap ang isang konsultasyon hinggil sa Bangsamoro Basic Law na pinangunahan ng Balay Rehabilitation sa pakikipagtulungan ng University Student Government sa loob ng Pamantasan ng Katimugang Mindanao.

Sa eksklusibong panayam ng DXVL News kay STAND USM  Cahirman at Anakbayan Spokesperson Reymon Reyes kahapon ng hapon, ang naturang konsultasyon ay dinaluhan ng iba’t-ibang organisayon sa USM na kinabibilangan ng mga mag-aaral mula sa iba’t-ibang sekta.


Ayon kay Reyes, layunin ng nasabing konsultasyon na mamulat ang kabataang pinoy ukol sa nilalaman ng Bangsamoro Framework Agreement na kasalukuyan isunusulong ng gobyerno ng Pilipinas at grupo ng Moro Islamic Liberation Front.


Dagdag ni Reyes, kailangan umanong mahikayat ang mga masang estudyante na makilahok sa peace-building initiative ng Balay Rehabilitation.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento