NEWS UPDATES

Katahimikan sa USM, malaking tulong sa liderato ng Provincial Government

(Kabacan, North Cotabato/March 6, 2014) ---“Basta may katahimikan sa University of Southern Mindanao, tulong na ninyu yun sa akin” ito ang naging pahayag ni Cotabato Gov. Emmylou Lala Talino Mendoza sa harap ng USM constituents na dumalo sa kanyang State of the Province address o SOPA na ginanap sa Carmen Municipal Hall, Carmen, North Cotabato.

Sinabi ni USM Spokesperson/ Director ng University Public Relations and Information Office Dr. Rommel Tangonan na suportado ni USM Pres. Dr. Francisco Gil “Iko” Garcia ang SOPA ng punong ehekutibo ng probinsiya dahil na rin sa malaking kontribusyon ng provincial government sa pagpapalago ng unibersidad.


Umani ng 41 palakpakan ang naging SOPA ni Gov. Lala na umabot ng isang oras na paglalahad sa kalagayan ng probinsiya kasama na rin ang mga naipatupad na proyekto at programa sa kanyang nakalipas na pagserbisyo sa probinsiya.

Buo naman ang suporta ng lokal na opisyal ng Provincial Government at sinabi ni Cotabato 3rd District Rep. Ping-ping Tejada na lahat ng mga inilahad na mga figures ng opisyal sa kanyang SOPA ay makatutuhanan.

Nagpahayag din ng kanyang pagsuporta maging si Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., sa liderato ng opisyal.Rhoderick Beñez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento