NEWS UPDATES

DepEd North Cotabato, nananawagan ng “Honesty” sa gagawing National Achievement Test o NAT

(Kabacan, North Cotabato/ March 10, 2014) ---Umaapela ngayon si Cotabato School’s Division Supt. Omar Obas sa mga guro at mag-aaral na maging matapat sa gagawing National Achievement Test o NAT.

Ginawa ni Obas ang pahayag sa DXVL News kahapon kasabay ng gagawing National Achievement Test o NAT ng mga mag-aaral sa grade Three ngayong araw habang sa araw naman ng Huwebes ang NAT ng grade six.


Nananawagan din ito sa mga guro na magka-conduct ng pagsusulit na panatilihin ang integredad upang ang totoong achievement ng mga mag-aaral ang lalabas na resulta sa gagawing NAT sa DepEd North Cotabato.

Samantala suportado din nito ang panawagan ng DEpEd region 12 na gagawing simple lamang ang graduation rites ng mga mag-aaral.


Aniya, naka schedule na ang graduation sa March 27-28 habang mayroon din naman na magsasagawa ng graduation sa March 29 para naman sa mga remote area o mga malalayong paaralan upang mapuntahan ng mga supervisors. Rhoderick Beñez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento