NEWS UPDATES

4 na kaso ng Sexually Transmitted Infections o STI muling na monitor ng RHU Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ March 13, 2014) ---Apat na kaso ng Sexually Transmitted Infections o STI ang na monitor ng Kabacan Rural Health Unit nitong nakaraang buwan.

Batay sa datos na inilabas ni Disease Surveillance Coordinator Honey Joy Cabellon ang naturang sakit ay Syphilis na naitala sa Brgy. Kayaga, Lower Paatan at Magatos.


Sa North Cotabato ang bayan ng Pikit ay may pinakamataas na kaso ng syphilis at dalawa naman ang namonitor sa bayan ng Matalam.

Karamihan sa mga tinataan ng naturang sakit ay ang mga kababaihan edad 20-29.

Samantala, nakapagtala naman ng pitong kaso ng dengue ang RHU Kabacan nitong buwan ng Pebrero. Rhoderick BeƱez



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento