NEWS UPDATES

Supply ng kuryente naibalik na sa Grid -NGCP

(Kabacan, North Cotabato/ February 28, 2014) ---Umapela ngayon ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa publiko na iwasan muna ang mga ispekulasyon kaugnay sa naging sanhi nang naranasang blackout sa buong Mindanao kahapon ng umaga.

Sa isang pahayag, sinabi ni NGCP spokesperson Cynthia Alabanza na sa ngayon ay kabilang sa kanilang tinitingnang rason ay ang aspeto ng suplay o problema sa transmission.

Sa text message na ipinaabot sa DXVL ni NGCP Corporation Communication & Public Affairs Officer for Mindanao Milfrance Capulong, naibalik na ang supply ng kuryente sa Grid alas 12:18 ng tanghali kahapon.



Una nang inihayag ni Energy Sec. Jericho Petilla na malabong may kaugnayan ito sa kawalan ng power supply dahil malayo pa aniyan ang summer season at mababa pa ang demand.

Batay sa inisyal na impormasyon ng grid operator, nagsimulang mawala ang suplay ng kuryente bandang alas-3:53 ng madaling araw kahapon.

Ilan umano sa mga affected areas ay kaagad naibalik ang power supply dahil sa mga generator sets ng kani-kanilang mga power distributor plants.

Samantala, balik-normal na umano ang suplay ng kuryente sa malaking bahagi ng Mindanao matapos makaranas ito ng region-wide blackout kahapon ng madaling araw.

Sa panig naman ng Cotelco, pansamantalang kumuha ang kooperatiba ng supply ng kuryente sa pamamagitan ng geothermal plant sa Mt. Apo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento