NEWS UPDATES

“Sayaw Kutawato 2014” pormal ng binuksan sa publiko

Written by: Jimmy Santacruz

AMAS, Kidapawan City (Feb. 26) – Inilunsad na ng Provincial Government of Cotabato sa pamamagitan ng Office of the Provincial Budget Officer ang “Sayaw Kutawato 2014” na isa sa mga pinakamalaki at pinakaaabangang aktibidad sa centennial celebration ng probinsiya ngayong taon.

Ang “Sayaw Kutawato 2014” ay paligsahan ng mga mahuhusay at piling mga dancers mula sa 17 munisipyo at nag-iisang lungsod ng Kidapawan at gaganapin ito sa April 9-11, 2014.


Layunin ng Provincial Government of Cotabato sa paglulungsad nito ay upang bigyan ngn kaukulang respeto ang mga sayaw na naging bahagi ng kasaysayan ng lalawigan ng Cotabato.

Nais din ng PGCot na kilalanin ang iba’t-ibang tribo, kultura at tradisyon ng mga tao sa lalawigan sa pamamagitan ng sayaw.

Kabilang sa mga tampok na sayaw sa paligsahan ay Folkdance, Indigenous Dance, Lyrical Hip-Hop, Contemporary Dance, Cheer Dance at Dance Sport.

Sa pamamagitan din ng “Sayaw Kutawato 2014” ay muling maipapakita ng buong lalawigan ang angkin nitong yaman sa larangan ng sayaw at mapatunayang isang tunay na tourist destination ang Cotabato.

Ayon naman sa PBO, ang bawat munisipyo sa Cotabato ay maaari lamang magkaroon ng isang grupo bilang representante at kailangang may endorsement ito ng local chief executive o mayor, maliban na lamang sa dancesport kung saan maaari ang 3 grupo ang mga category nito na juvenile, junior at youth adult.

Tatanggap ng cash prizes at certificates ang mga mananalo sa paligsahan.

Para naman sa mga mechanics at guidelines ng “Sayaw Kutawato 2014” maaaring makipag-ugnayan kay Miss Cynthia Boston ng PBO sa cell phone no. 0908-5333663 o 278-7032 o magtungo sa Provincial Budget Office sa Provincial Capitol Building Amas, Kidapawan City. (JIMMY STA. CRUZ/PGO Media Center)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento